Pages

Wednesday, September 11, 2013

Pizza Hut: Thumbs Down!

Bakit nga kaya nasabi ng ating Linkbuilder na Matakaw na "Thumbs Down" ang Pizza Hut? Sa aking pagkakaalam, isa ito sa paborito nyang Pizza chain, kumpara sa Yellow Cab, Bigoli, Shakeys, Greenwich at Sbarro (promotion!). OO masarap ang mga nai-kumparang kainan, pero ang Pizza Hut ang pinaka paborito nya. Para sa kanya lang naman, kung mas masarap sa inyo ang iba, ganun talaga, magka-iba po kayo ng dila. :P

Masakit para sa kanya na isulat ang post na ito. Mahal ng Linkbuilder na Matakaw ang Pizza Hut subalit hindi ito ang unang pagkakataon na meron syang mairereklamo para sa kanila.

Ganito raw ang eksena habang nasa Pizza Hut Eastwood Branch ang Linkbuilder na Matakaw at ang kanyang mga ka-opisina (isipin nyo na ako sya):

Pizza Hut Promo


Kanina lamang ay excited akong kumain sa Pizza Hut para sa Super Panalo Value Meals promo nito. Sa halagang P99.00 ay makakapamili ka na ng lunch mo na may kasamang appetizer pa. Tandaan, isang orang lang ang lunch break. Hindi namin alam kung bakit sa Eastwood Branch eh sadyang napakabagal ng serving.

Pizza Hut Super Panalo Value Meals


Maraming nang customer at iilan pa lang sa amin ang nabigyan ng order. Maski nga ang Lemonade na inorder ko, delayed ang serving. Imagine, inumin lang yun. Nauna ang 2 mushroom soup (12 ata kami sa table at 10 ang may soup as appetizer), hangang sa 10 minuto pa ata bago maibigay ang ibang soup. Natapos na ang pagkain ng kanilang soup ng dumating ang ilan pang mga orders maliban sa order ko. Ako pa naman ang pinaka mabagal kumain sa grupo.

Makalipas ang 30 minutes ng dumating yung appetizer ko which is Cheesy Garlic Bread, habang ang iba ay dumating na ang small pan of pizza. Naubos ko na yung tinapay ko, dumating na mga carbonara nila, yung chicken na kapareho ng order ko, pero yung sa akin ay wala pa rin.

Pizza Hut Cheesy Garlic Bread


Mukha ng kong kawawa hanggang sa abutan na ako ng isang slice ng pizza ng manager namin. Nakumpleto na ang lahat ng order pero wala pa rin yung manok ko. Sabi nung manager nila: "Pababa na po". Iniisip kong naging itlog na lang yung manok ko. 

Sa amin lahat, ako yung hindi makakatagal ng hindi na-ra-rice. Sa amin lahat, isa ako sa matakaw. Tapos ako yung walang manok. Ang ending ay ipina take-out ko na yung order ko. 30 minutes na kaming over break. At dahil yun sa Pizza Hut. Nakakalungkot. Nakakadisappoint. 3 crew lang ata ang nakita naming nagseserve sa mga tao. Mababait sila kaso kulang sila.

Take Out Pizza Hut


Ang hustisya namin? Ipina-deliver namin yung isang maliit na pizza order sa office. 

Isa pang epic fail. Sa pagkataranta nila, dalawang kutsara ang ipinabaon sa akin. :|

Epic Fail Pizza Hut

Kaya sa Linkbuilder na Matakaw - Thumbs Down ang Pizza Hut.

Monday, September 9, 2013

Halika Sa Red Ribbon Bakeshop

Linkbuilder na Matakaw sa Red Ribbon
Sa ating mga Pinoy, hindi na bago ang Red Ribbon Bakeshop. Halos lahat naman ata ay nakatikim na ng kahit isa sa mga cakes o produktong mabibili rito. Isa pa, hindi ka siguro Pinoy kung hindi mo ikukumpara ang sarap ng Red Ribbon sa Goldilocks. Haha

Wala naman masyadong espesyal sa kainang ito, sadyang paborito lang sya ng ating bida. Mababait kasi ang mga crew dito, masarap ang cake at panalo sa presyo. Noong bata raw sya, akala nya ay masyadong pang-mayaman to pero nung maglaon, napag alaman nyang hindi naman pala.

Natutuwa ang LinkBuilder na Matakaw sa pagkain sa Red Ribbon dahil kapag bumili ka ng meal, may kasama ng isang slice ng cake na maari mong piliin sa kung ano ang available at drinks of your choice. Busog naman sa ganitong trip, wala pang 500 okay na ang sikmura kahit may kasama ka pa. 


Pan Grilled Chop Liempo ng Red Ribbon


Pan Grilled Chop - ito lang naman ang paborito ng Linkbuilder na Matakaw. Hindi sya malutong pero malasa. May kasamang atchara at sukang sawsawan. Dati may kasama tong pipino kapag inorder, hindi ko lang alam bakit wala na ngayon.


Red Ribbon Classic Spaghettin from Linkbuilder na MatakawRed Ribbon Classic Spaghetti - hindi to madalas isama sa order, pero dahil mahilig ang kasama ng matakaw sa spaghetti ay pinagsaluhan nila ito. Masarap ang timpla at hindi nakakasawa. Sa makatuwid, sa susunod mong kain malamang oorderin mo to ulit.

Dun naman tayo sa free slice ng cakes. Triple chocolate cake at Black Forest. Dalawa sa mga ipinagmamalaking cakes ng Red Ribbon at kayang ubusin ng LinkBuilder na Matakaw. :D
Chocolate Cakes in Red Ribbon

Triple Chocolate Cake Slice of Red Ribbon
Triple Chocolate Cake Slice

Red Ribbon Black Forest
Black Forest Slice


Sa huli, isa na naman itong masarap na karanasan sa ating Linkbuilder na Matakaw. Approved!

Sunday, September 8, 2013

Ala Eh! Batangas Food Trip

Sa Batangas ba ang susunod mong food trip? Ito lang ang maipapayo ko sayo. Huwag na huwag mong papalampasin sa iyong pagdalaw ang pagkain ng lomi at pag inom ng kapeng barako!

Sa huling bisita ko sa Batangas, hindi ko pinalampas ang pagkain ng kanilang masarap na lomi. Nakakagulat na ang lomi kapag kinain, masarap pala sa toyo na may kalamansi. Bukod pa don, ang mga kumakain ng lomi dito ay humihingi ng isang pinggan kung saan magsasalin sila ng lomi at doon ito kakainin. Nakakatuwa na naranasan ng Linkbuilder na Matakaw ang pagkain ng lomi sa ganitong paraan. 

Ang Lomi ng Batangas


Masarap ang lomi sa Batangas, malapot, ma-itlog, masahog at malaki ang mangkok! Siguradong sosobra sayo kung mahina kang kumain at ikaw mismo ang susuko naman kung kalakasan ka! Kumpleto ren para sa akin ang pagkain ng lomi kapag may nakahain na malutong at maalat na garlic bread. Amoy pa lang, sigurong gugutumin ka na!

Batangas Garlic Bread Version


Ang garlic bread sa nakainan namin ay simple lang. Hotdog buns ata yon na may kung anong pinahid para mag lasang garlic saka isinalang sa oven toaster. Ang ending, napasarap ang inyong lingkod! Haha. Ala e tinapay ga ang nakain eh! 

Linkbuilder na Matakaw at Garlic Bread


Pangalawa sa hindi ko pinalampas as ang kapeng barako - para sa mga matso [macho] haha. Sa totoo lang, hindi naman ako uminom ng kape doon, ipinagiling ko lang hanggang sa maging pino at maipasalubong ko sa bahay. Isang paalala at dagdag kaalaman na ren, ang giniling na kape (coffee bean), 'galpong' ang tawag sa Batangas. 

Kapeng Barakao ala Batangas


So, ang Batangas Food Trip ng Linkbuilder na Matakaw ay naging aprub! Sa susunod, goto at iba pang lutong Batangas ang ipapatikim nya sa inyo. 

Saturday, September 7, 2013

The Red Crab Alimango House Eastwood

Kung hindi niyo po naitatanong, ang ating Linkbuilder na Matakaw ay napakahilig sa mga alimango. Luto sa gata, iginisa o kahit simpleng lutuin lang, aba e papatok na sa kanya.

Ngayong sabado, kami ay naghahanap ng maipapalit na kainan sa Sambokojin dahil sa ganap na alas-dos ay sarado na sila. Ala-singko y media pa raw maaring kumain ulit. Aba, malamang sa mga oras na yun, yung gutom namin e nagpang abot na.

The Red Crab Alimango House Eastwood
Sa mapulang kulay ng logo The Red Crab Alimango House sa Eastwood Mall nabaling ang aming atensyon. Hindi dahil bago sya, kundi dahil nakakagutom ang mga pagkaing nasa menu na inihain sa amin. Meron pa silang pagkain na nasa bilao na maaaring pagsaluhan ng 3-4 na katao.


Sa huling desisyon, sa Red Crab kami kumain. Maganda at tahimik sa kainan na ito. Magagalang ang mga tao at palangiti. Sa paglapit ng tagakuha ng order, ipinalista namin ang isang bilao  ng seafood food na may kasama agad na isang pitchel ng iced tea, isang sinigang at isang plain rice.





Ito ang plain rice nila. Kapag sinabi kong plain, literal na plain ang nasa isip ko, kaya nawindang ako na may kung anong berdeng gulay na ginawang glitters ang nakapatong sa ibabaw ng kanin ko. In fairness masarap naman sya. Aprub! 

The Red Crab Plain Rice

Sa bilao naman ng seafood na mayroon ng maraming garlic rice, malulutong na crablets, inihaw na liempo, inihaw na pusit, inihaw na tilapya, talong, okra, itlog na maalat at hipon kung saan siguradong wala ka ng hahanapin pa. Makukuntento ka at malamang kung nag iisa ka lang, eh maumay ka na sa dami nito. Aprub ang salu-salong ito para sa tatlong katao. 

Seafood Bilao sa Red Crab

Ang sinigang na baboy mula sa Red Crab ang babalik-balikan ko. Aba sinigang yata yan! Masarap at maasim ang timpla. Mapaparami ka ng subo at higop sa sabaw na nakahain sayo kahit wala pang kanin. Solb ka na!

Sinigang na Baboy Red Crab

Hindi man kami nakatikim ng alimango na syang main dish dito (dahil nagkakahalagang 1,500 mahigit ang 800g) sigurado namang babalik kami para matikman ang alimango espesyal nila. At ang natatanging luto sa Lapu-Lapo ang isa pa sa hindi ko na papalampasin.

LinkBuilder na Matakaw sa Red CrabSinigang na baboy para sa linkbuilder na matakawSo, kung ikaw ay seafood lover at alimango ang hanap, ito ang mairerekuminda ko sayo: The Red Crab Alimango House. Pasok sa panlasa ng Linkbuilder na Matakaw, papasok ren sa budget kahit papaano. ;p

KAIN Na!!!! :D



Wednesday, September 4, 2013

Morning Rush with a Cup of Coffee and a Chocolate Cupcake

How to start a great morning? Go to an ATM machine, withdraw some cash and visit the nearest cupcake house near your location.

This morning, I spotted Linkbuilder na Matakaw starting her morning with a cup of mocha and a delicious chocolate cupcake. Hmmm.. This could get her feel better and more energetic.

Gigi Cupcakes and Coffee


Want to try? Visit GiGi Cupcakes & Coffee located at Eastwood City, Libis, Quezon City, Philippines. You will surely not regret buying a piece of it!

Mocha and Chocolate Cupcakes

Chocolate Cupcake

Cupcakes: P40.00 and up
Mocha: P75.00 (small)


Thumbs up Linkbuilder na Matakaw for a sweet morning :)

LinkBuilder na Matakaw sa Sambokojin

LinkBuilder na Matakaw sa Sambokojin
One is enough. Two is too much. I can hear our beloved friend - ang Linkbuilder na Matakaw saying that to herself. She's up to no good when it comes to Japanese-Korean-Taiwanese-Chinese-Foods. But at Sambokojin, something must have been changed. 

Visited twice with the same variety of fresh food to cook but different piece of heaven on the desserts. Sambokojin is a Japanese-Korean Grill All You Can Restaurant with a branch at Eastwood City. Delighted with different food to choose, our friend enjoyed the no-limit of time and food experience here.

Choose among the fresh meat of beef (spicy, plain or sweet?), liver, salmon, shrimp and more. You can also find ideal Japanese-Korean food to grill. Sorry that I have no idea on what to call them. But to give you a hint, it seems that everything has something to do with bacon!

Grill at Sambokojin with LinkBuilder na Matakaw

Not just to grill. At Sambokojin, there are already cooked food like chicken wings on spicy sauce, Chapchae and foods I never imagined that LinkBuilder na Matakaw would eat. There are of course the main dishes such as crab sticks, sushi and kimchi. She tried crab sticks and she wouldn't dare to eat again. :P

Sambokojin Desserts


What our friend most enjoyed on this dining momentum was the desserts table. Full of cakes in different flavors. Its up to you if you want to slice thick or thin - depends on how gluttonous are you. There are also  sliced pineapples and watermelons. If you want ice cream, - you will definitely enjoy this table as well. With flavors like mocha, chocolate and strawberry, have a cup-full of ice cream with toppings of your own. 

Ang LinkBuilder Na Matakaw sa Sambokojin


Try Sambokojin right now and see for yourself that our own LinkBuilder na Matakaw has a delicious taste indeed. 

Approved!

Tuesday, September 3, 2013

Ang Pagdalaw ng LinkBuilder na Matakaw sa Eastwood

Eastwood City's Chocolate Festival


Aba! Akalain mo, meron palang "Chocolate Festival" sa Eastwood Mall ngayon. Simula Setyembre 3 hanggang 8 ay siguradong magsisipagpunta ang mga chocolate lovers sa nasabing mall. Ano nga ba ang matatagpuan sa festival na ito?

LinkBuilder na MatakawMalamang ay mga tsokolate. Pero ano pa ba? Ayon sa aking nakapanayam na sa isang linkbuilder na matakaw na nagtatrabaho sa Eastwood, meron daw masarap na Gelato - nagkakahalaganga P80.00 isang scoop (may kamahalan) at mga tsokolateng magpapagising sa katawang lupa mo - tsokolateng may sili! Aba the best ito! 

Meron ding libreng Koko Crunch na may gatas sa isang baso kapag pumila ka at nilagay mo ang mga impormasyon mo sa isang papel. Astig diba?

Kaya nga sa loob ng isang linggo, dumalaw na sa Chocolate Festival na ito. At ikaw naman LinkBuilder na Matakaw, aba KAIN pa! Tikman mo lahat. May FREE taste naman diba?