Sa Batangas ba ang susunod mong food trip? Ito lang ang maipapayo ko sayo. Huwag na huwag mong papalampasin sa iyong pagdalaw ang pagkain ng lomi at pag inom ng kapeng barako!
Sa huling bisita ko sa Batangas, hindi ko pinalampas ang pagkain ng kanilang masarap na lomi. Nakakagulat na ang lomi kapag kinain, masarap pala sa toyo na may kalamansi. Bukod pa don, ang mga kumakain ng lomi dito ay humihingi ng isang pinggan kung saan magsasalin sila ng lomi at doon ito kakainin. Nakakatuwa na naranasan ng Linkbuilder na Matakaw ang pagkain ng lomi sa ganitong paraan.
Masarap ang lomi sa Batangas, malapot, ma-itlog, masahog at malaki ang mangkok! Siguradong sosobra sayo kung mahina kang kumain at ikaw mismo ang susuko naman kung kalakasan ka! Kumpleto ren para sa akin ang pagkain ng lomi kapag may nakahain na malutong at maalat na garlic bread. Amoy pa lang, sigurong gugutumin ka na!
Ang garlic bread sa nakainan namin ay simple lang. Hotdog buns ata yon na may kung anong pinahid para mag lasang garlic saka isinalang sa oven toaster. Ang ending, napasarap ang inyong lingkod! Haha. Ala e tinapay ga ang nakain eh!
Pangalawa sa hindi ko pinalampas as ang kapeng barako - para sa mga matso [macho] haha. Sa totoo lang, hindi naman ako uminom ng kape doon, ipinagiling ko lang hanggang sa maging pino at maipasalubong ko sa bahay. Isang paalala at dagdag kaalaman na ren, ang giniling na kape (coffee bean), 'galpong' ang tawag sa Batangas.
So, ang Batangas Food Trip ng Linkbuilder na Matakaw ay naging aprub! Sa susunod, goto at iba pang lutong Batangas ang ipapatikim nya sa inyo.
0 comments:
Post a Comment
enjoy eating! i mean reading! :)