Kung hindi niyo po naitatanong, ang ating Linkbuilder na Matakaw ay napakahilig sa mga alimango. Luto sa gata, iginisa o kahit simpleng lutuin lang, aba e papatok na sa kanya.
Ngayong sabado, kami ay naghahanap ng maipapalit na kainan sa Sambokojin dahil sa ganap na alas-dos ay sarado na sila. Ala-singko y media pa raw maaring kumain ulit. Aba, malamang sa mga oras na yun, yung gutom namin e nagpang abot na.
Sa mapulang kulay ng logo The Red Crab Alimango House sa Eastwood Mall nabaling ang aming atensyon. Hindi dahil bago sya, kundi dahil nakakagutom ang mga pagkaing nasa menu na inihain sa amin. Meron pa silang pagkain na nasa bilao na maaaring pagsaluhan ng 3-4 na katao.
Sa huling desisyon, sa Red Crab kami kumain. Maganda at tahimik sa kainan na ito. Magagalang ang mga tao at palangiti. Sa paglapit ng tagakuha ng order, ipinalista namin ang isang bilao ng seafood food na may kasama agad na isang pitchel ng iced tea, isang sinigang at isang plain rice.
Ito ang plain rice nila. Kapag sinabi kong plain, literal na plain ang nasa isip ko, kaya nawindang ako na may kung anong berdeng gulay na ginawang glitters ang nakapatong sa ibabaw ng kanin ko. In fairness masarap naman sya. Aprub!
Sa bilao naman ng seafood na mayroon ng maraming garlic rice, malulutong na crablets, inihaw na liempo, inihaw na pusit, inihaw na tilapya, talong, okra, itlog na maalat at hipon kung saan siguradong wala ka ng hahanapin pa. Makukuntento ka at malamang kung nag iisa ka lang, eh maumay ka na sa dami nito. Aprub ang salu-salong ito para sa tatlong katao.
Ang sinigang na baboy mula sa Red Crab ang babalik-balikan ko. Aba sinigang yata yan! Masarap at maasim ang timpla. Mapaparami ka ng subo at higop sa sabaw na nakahain sayo kahit wala pang kanin. Solb ka na!
Hindi man kami nakatikim ng alimango na syang main dish dito (dahil nagkakahalagang 1,500 mahigit ang 800g) sigurado namang babalik kami para matikman ang alimango espesyal nila. At ang natatanging luto sa Lapu-Lapo ang isa pa sa hindi ko na papalampasin.
So, kung ikaw ay seafood lover at alimango ang hanap, ito ang mairerekuminda ko sayo: The Red Crab Alimango House. Pasok sa panlasa ng Linkbuilder na Matakaw, papasok ren sa budget kahit papaano. ;p
KAIN Na!!!! :D
1 comments:
I got this web site from my friend who told me regarding this web site and at the moment this time I am browsing this web
site and reading very informative articles at
this time.
Here is my web-site :: what is seo
Post a Comment
enjoy eating! i mean reading! :)