Sa ating mga Pinoy, hindi na bago ang Red Ribbon Bakeshop. Halos lahat naman ata ay nakatikim na ng kahit isa sa mga cakes o produktong mabibili rito. Isa pa, hindi ka siguro Pinoy kung hindi mo ikukumpara ang sarap ng Red Ribbon sa Goldilocks. Haha
Wala naman masyadong espesyal sa kainang ito, sadyang paborito lang sya ng ating bida. Mababait kasi ang mga crew dito, masarap ang cake at panalo sa presyo. Noong bata raw sya, akala nya ay masyadong pang-mayaman to pero nung maglaon, napag alaman nyang hindi naman pala.
Natutuwa ang LinkBuilder na Matakaw sa pagkain sa Red Ribbon dahil kapag bumili ka ng meal, may kasama ng isang slice ng cake na maari mong piliin sa kung ano ang available at drinks of your choice. Busog naman sa ganitong trip, wala pang 500 okay na ang sikmura kahit may kasama ka pa.
Pan Grilled Chop - ito lang naman ang paborito ng Linkbuilder na Matakaw. Hindi sya malutong pero malasa. May kasamang atchara at sukang sawsawan. Dati may kasama tong pipino kapag inorder, hindi ko lang alam bakit wala na ngayon.
Red Ribbon Classic Spaghetti - hindi to madalas isama sa order, pero dahil mahilig ang kasama ng matakaw sa spaghetti ay pinagsaluhan nila ito. Masarap ang timpla at hindi nakakasawa. Sa makatuwid, sa susunod mong kain malamang oorderin mo to ulit.
Dun naman tayo sa free slice ng cakes. Triple chocolate cake at Black Forest. Dalawa sa mga ipinagmamalaking cakes ng Red Ribbon at kayang ubusin ng LinkBuilder na Matakaw. :D
Triple Chocolate Cake Slice |
Black Forest Slice |
Sa huli, isa na naman itong masarap na karanasan sa ating Linkbuilder na Matakaw. Approved!
1 comments:
Cakes! I'm suffering from a sweet tooth. Haha. Sweets have always been my kind of comfort food at fave ko ang red ribbon kasi, gaya ng sabi ng link builder na matakaw, affordable na masarap pa. ^_^ Masarap din yung chix lollies nila at i agree na ok din ang spag nila. ^_^
Post a Comment
enjoy eating! i mean reading! :)