Pages

Wednesday, September 11, 2013

Pizza Hut: Thumbs Down!

Bakit nga kaya nasabi ng ating Linkbuilder na Matakaw na "Thumbs Down" ang Pizza Hut? Sa aking pagkakaalam, isa ito sa paborito nyang Pizza chain, kumpara sa Yellow Cab, Bigoli, Shakeys, Greenwich at Sbarro (promotion!). OO masarap ang mga nai-kumparang kainan, pero ang Pizza Hut ang pinaka paborito nya. Para sa kanya lang naman, kung mas masarap sa inyo ang iba, ganun talaga, magka-iba po kayo ng dila. :P

Masakit para sa kanya na isulat ang post na ito. Mahal ng Linkbuilder na Matakaw ang Pizza Hut subalit hindi ito ang unang pagkakataon na meron syang mairereklamo para sa kanila.

Ganito raw ang eksena habang nasa Pizza Hut Eastwood Branch ang Linkbuilder na Matakaw at ang kanyang mga ka-opisina (isipin nyo na ako sya):

Pizza Hut Promo


Kanina lamang ay excited akong kumain sa Pizza Hut para sa Super Panalo Value Meals promo nito. Sa halagang P99.00 ay makakapamili ka na ng lunch mo na may kasamang appetizer pa. Tandaan, isang orang lang ang lunch break. Hindi namin alam kung bakit sa Eastwood Branch eh sadyang napakabagal ng serving.

Pizza Hut Super Panalo Value Meals


Maraming nang customer at iilan pa lang sa amin ang nabigyan ng order. Maski nga ang Lemonade na inorder ko, delayed ang serving. Imagine, inumin lang yun. Nauna ang 2 mushroom soup (12 ata kami sa table at 10 ang may soup as appetizer), hangang sa 10 minuto pa ata bago maibigay ang ibang soup. Natapos na ang pagkain ng kanilang soup ng dumating ang ilan pang mga orders maliban sa order ko. Ako pa naman ang pinaka mabagal kumain sa grupo.

Makalipas ang 30 minutes ng dumating yung appetizer ko which is Cheesy Garlic Bread, habang ang iba ay dumating na ang small pan of pizza. Naubos ko na yung tinapay ko, dumating na mga carbonara nila, yung chicken na kapareho ng order ko, pero yung sa akin ay wala pa rin.

Pizza Hut Cheesy Garlic Bread


Mukha ng kong kawawa hanggang sa abutan na ako ng isang slice ng pizza ng manager namin. Nakumpleto na ang lahat ng order pero wala pa rin yung manok ko. Sabi nung manager nila: "Pababa na po". Iniisip kong naging itlog na lang yung manok ko. 

Sa amin lahat, ako yung hindi makakatagal ng hindi na-ra-rice. Sa amin lahat, isa ako sa matakaw. Tapos ako yung walang manok. Ang ending ay ipina take-out ko na yung order ko. 30 minutes na kaming over break. At dahil yun sa Pizza Hut. Nakakalungkot. Nakakadisappoint. 3 crew lang ata ang nakita naming nagseserve sa mga tao. Mababait sila kaso kulang sila.

Take Out Pizza Hut


Ang hustisya namin? Ipina-deliver namin yung isang maliit na pizza order sa office. 

Isa pang epic fail. Sa pagkataranta nila, dalawang kutsara ang ipinabaon sa akin. :|

Epic Fail Pizza Hut

Kaya sa Linkbuilder na Matakaw - Thumbs Down ang Pizza Hut.

4 comments:

Anonymous said...

Pareho kayo ng lolo ko. Paborito niya rin ang PizzaHut. Yep. Minsan talaga mabagal ang serbisyo lalo na pag kulang sa tao. Sana natutunan din nila ung lesson. At dapat lang na mas madami ang tao nila lalo na pag lunchbreak kasi dun pinakamadaming customer.

Anonymous said...

sino yung lolo mo? baka kilala ko!

sa bayan namin walang pitza hut.. sana meron

picky eater said...

Super Panalo daw.. super talo ka sa kupad ng service nila...

Anonymous said...

Hello, I think your blog might be having browser compatibility
issues. When I look at your blog site in Opera, it looks fine
but when opening in Internet Explorer, it has some overlapping.
I just wanted to give you a quick heads up! Other then that, wonderful blog!


Here is my web blog :: search engine

Post a Comment

enjoy eating! i mean reading! :)