Pages

Sunday, June 22, 2014

Tara, Kape!

Coffee Lover ka ba? Mainit o malamig, kape ang hinahanap hanap ng panlasa? Halika, tikman mo ang ilan sa mga kapeng natikman ko dyan sa tabi tabi.

Normal na listahan lang naman to ng mga coffee shop dito sa Metro Manila, pero meron din naman na sa sariling bahay mo lang ren matitikman. Kaya halika, samahan ang LinkBuilder na Matakaw sa mga inuming nakakapag-palpitate at sadyang acidic. :D

Folgers Coffee
Simulan natin sa kapeng damang dama ng panlasa mo. Folgers Coffee at Kitchen Fixin's Creamer. Masarap depende sa sariling timpla. Hahanap ka pa ba? Syempre yun nang ikaw mismo ang gumawa. Presyo: Libre kung padala. Haha

Gigi Coffee and Cupcakes
Hot Mocha with Chocolate Cupcake from Gigi - isa ito sa masasabi kong patok sa panlasa sa presyong abot kaya. Masarap kapag pinagsama lalo na bago simulan ang araw sa opisina. Bisitahin ang kanilang branch sa Eastwood City, Libis, Quezon City. Presyo: P75 para sa Hot Mocha.

McDonalds Coffee
Masarap ang kape ng Mcdonalds kapag madaling araw na at sa mismong shop mo iinumin. Brewed coffee na maaari mong isunod depende sa panlasa mo. Hingi ka lang ng dagdag creamer at asukal (libre ito). Presyo: P25 Masarap din yung iced coffee nila, try it!


Bo's Coffee
First and last time kong uminom dito sa Bo's Coffee, masarap naman sya pero dahil wala silang branch sa Eastwood, hindi na ko nakaulit pang muli. Kung pagkukumparahin ang dalawang frappe na to, mas masarap yung order ko, which is Mocha Froccino Primo (P135.00) kesa sa Oreo Froccino Primo (150.00). So trust me, kung oorder ka, ask for my opinion first. :P


Cafe de Lipa
 Cafe de Lipa. Di na ko nakaulit dito, same reason: walang branch nito sa Eastwood. Pero kung may chance naman, uulit ako. Masarap sya, matapang. Kapeng kape kung tutuusin. Ano ito? Celleto Dark Mocha Grande that costs P115.00. Mura kumpara sa ibang coffee shops.


Caffe Bene Philippines

Caffe Bene
Caffe Bene! Hot or Cold drinks, benta ito. Dahil nag enjoy ako nung first time ko dito, eventually, I had to came back and tried the same coffee, but this time I ordered it with cake. Mocha Espresso Based Frappe Large (P145.00), Hot Caramel Machiatto Large (P155.00), Mango Crunch Cake (140.00). Masarap sa Caffe Bene, and  I am looking forward to try other drinks and cakes and waffles and gelatos. :)


Dairy Queen Moolatte
Dairy Queen Drinks Selection. Syempre hindi lang naman ice cream na pwedeng baligtarin (Blizzard) ang meron sila. Meron din silang coffee flavoured drinks, though sa picture na to e sa akin yung Matcha Green Tea, natikman ko na ren naman yung iba nyang drinks. Among MooLatte's that I have tried are Cappuccino, Matcha Green Tea, and Mocha at P99.00 for a size of 12oz. 


Gonuts Donuts Highlands Coffee
Gonuts Donuts. More than just great donuts, but also yummy drinks from Highlands Coffee. Hmm, I've been to Gonuts Donuts for countless times and I do love their donuts. But I have to say that these treats tastes better when paired with coffee. Though Highlands Coffee is Gonuts Donuts' partner, you can also find a Highlands Coffee Shops in Manila. Iced Mocha Medium - P85.00 / Cappuccino Medium - P85.00


Mocha Frappuccino Starbucks

Starbucks Coffee

Starbucks. Of course, ito pa ba naman ang mawawala sa listahan? Eh halos palagi akong nasa isa sa apat na branch nito sa Eastwood. Yes, 4 ang branch nila sa Eastwood, o baka nga lima pa. So far, favorite ko dito ang Mocha at Dark Mocha Frappuccino. Mocha Frappuccino Grande (P155.00) at ang Dark Mocha Frappuccino (P185.00). Isa pa pala sa paborito ko na bihira ko lang maabutan ay ang Mocha Cookie Crumble Frappucino


Java Jazz Cafe in Tagaytay
Java Jazz Cafe in Tagaytay. Haha. Sabi ko, mga kape sa Metro Manila lang pero umabot tayo ng Tagaytay. Bonus Round! Ito ay ang Java Mocha Frost (P99.00). Masarap sya at masarap sanang balik-balikan. Bukod na maganda ang shop dahil sa kakaiba nitong design at aura, mabait ang crew at welcoming ang ambiance. 

Bukod dito, ito pa ang ilan sa mga food shops kung saan nakatikim na ko ng coffee nila, pictures to follow na lang po :)

  • UCC Cafe
  • Coffee Bean and Tea Leaf (CBTL)
  • Seattle's Best
  • Cravings
Kung hindi ikaw yung taong mahilig mag kape, siguro subukan mo naman. Sasamahan pa kita at sabay tayong mag-discover sa pinaka masasarap na kape dito sa lupang ibabaw. Until next time, mga Tea naman :)






Thursday, February 20, 2014

Balboa Pizza, Pasta & Steaks sa Shangri-La Plaza

Semi fine dining restaurant ba ang hanap mo? Halika at subukan mo ang Balboa Pizza, Pasta and Steaks Restaurant na matatagpuan sa Shangri-La Plaza, Shaw Boulevard, Mandaluyong City. Ito ay pinamumunuan nina Ricky Laudico, Marvin Agustin at Raymund Magdaluyo. 

Kelan lamang ng dayuhin ng ating LinkBuilder na Matakaw ang kainan na ito. Dala na rin ng paghahangad na makakain ng Pizza. Sa ganda ng ambiance at dating ng Balboa, siguradong mapapaisip ka sa lasa na kaya nilang ihanda para sa'yo. 

American-Italian ang peg nito. Halatang mayayaman o may kaya ang kumakain dito. Nasa 300 pataas ang isang putahe. Pero.. siguradong sulit ka naman! Dahil specialty ng Balboa ang pasta, pizza at steak, syempre sinubukan namin ito. Maliban sa steak dahil mahal. :) 

Pepperonni with Calamata Olives and Anchovies Pizza, Baked Ziti at Italian Sausage Pesto - ilan lang yan sa mga makikita nyo sa aming lamesa ng gabing iyon. Sabi ng kasama ko, masarap daw ang baked ziti nito, at ako, bilang tagahanga ng baked ziti mula sa iba't ibang resturant ay hindi na nagpatumpik tumpik pa. 

Pepperonni with Calamata Olives and Anchovies at Balboa

Baked Ziti

Italian Sausage Pesto at Balboa


Sa kabuuuan, sulit ang pagkain sa Balboa, nakakabitin sapagkat hindi ko nasubukan ang iba gayong kakaunti lang rin naman ang pagpipilian. Nalito kasi ako sa pangalan, buti na lang may picture yung menu. ;P Isa pang napansin ko dito, nakakailang mag picture ng mag-picture, wala naman kasing nakalagay sa ulo ko na "Food Blogger Ako!". Kaya nang makakuha ng pagkakataon, nakunan ko ang dapat na makunan. :D Nakakapanghinayang rin na hindi ko nakunan ang itsura ng restaurant mismo.

Pepperonni Pizza at BalboaPara sa inyong LinkBuilder na Matakaw, makakapagbigay ako ng 9 sa 10 thumbs up para sa Balboa Pizza, Pasta & Steaks! Masarap balikan.

Kumpara sa Bigoli, mas gusto ito ng panlasa ko, ayon sa inyong LinkBuilder na Matakaw. Pero mahirap ikumpara sa Italiannis na isa ring Italian Resturant. Para sa inyong lingkod, babalik ako rito para sa steak at sa kung ano mang dessert na maari kong matikman.

Tuesday, February 18, 2014

Project Pie: Everyday Artisan Pizza Custom Built by You

Project Pie: Everyday Artisan Pizza Custom Built Sawa ka na ba sa tipikal na Picha Pie (Pizza Pie) na nakakain mo? Gusto mo bang gumawa o magpagawa ng sarili mong Pizza? Tamang tama! Ang pasikat na pasikat na pizza parlor na ito ang nararapat sayo!

Iilan pa lamang sa mga lugar sa Pilipinas ang mayroon franchise nito, marahil ay tinitignan ba ng iba kung magki-click. Ito at ang Project Pie: Everyday Artisan Pizza Custom Built by You. Pangalan pa lang, siguradong mapapaisip ka na! Pizza, sarili mong disenyo ng ingredients, sariling pagpili ng sauce (white or red), ano pa bang hahanapin mo?

Project Pie Custom PizzaHindi ko alam kung tama ba ang naging panlasa ko sa unang bisita ko sa Project Pie, gabi na kasi at inaatok na talaga ako. Pero ang natatandaan ko, matapos ko itong matikaman, naikumpara ko ito sa CPK (true love pizza parlor). Ang Pizza ng CPK, masasabing mo "ito na", iyon na ang Pizza na hinahanap mo, pero ang Project Pie 0- may sarili itong panghakot sa mga tao.


Project Pie - Custom Pizza PhilippinesMasarap ang unang tikim ko rito. Pumili ako via numbers. Pinili ko number 2 na binubuo ng Pepperoni, Italian Sasage, Crumbled Meatballs, Mozzarella, Our Signature Red Sauce at Garlic bilang mga sangkap. 

Pizza lang ang nakain namin, bukod sa wala pang sahod eh ginagabi na ren naman kami. 

Sa ngayon, pinapangako ko na babalik ako sa Project Pie. Upang mabigyan ng mas maayos na review ang
kainan na ito.

Thumbs up sa gradong 6/10 para sa Project Pie ang hatol ng inyong Link Builder na Matakaw.

Order By Number: Pizza Number 2: 
(Branch: Eastwood, Libis, Quezon City)
Order By Number: Pizza Number 2 Project Pie

Thursday, November 7, 2013

Dencio's Inuman


Byernes na naman ano? At dahil maulan, masarap uminom ng paborito mong alak sa paborito mong bar kasama ang mga paborito mong kaibigan. Ako nga pala ito, ang link builder na matakaw. Dahil tungkol sa inuman ang post na ito, ako muna ang inyong tagapanulat. :)


Inuman ba ang gusto mo? Dun tayo sa abot kaya ng bulsa - lalo na kung nasa Eastwood ka. Saan pa, kundi sa Dencios! Masarap na ang mga pulutan, solb ka pa sa presyo. San Mig Light at Red Horse nga pala para sa bahay inuman na ito.

Sa totoo lang, hapunan ang dahilan ng pagpunta namin sa Dencios, o maari ring sabihin na pakain mula sa aming Manager na huling araw na sa opisina. Masaya ang usapan, masarap ang pagkain at malamig ang pulutan. Ano pa ba diba?

Ilan sa mga inorder namin ay isang bucket ng alak (una to, lasingero lang kasi) na may isang libreng pulutan. Sa isang bucket ata ay pede ka nilang  bigyan ng libreng pulutan na naayon lamang. Umorder din kami ng Pork Sisig, Bituka Sisig, Chicken Skin at Crispy Pata. Syempre hindi kumpleto kung walang malutong na pata hindi ba?



Ang Pork Sisig. Hindi ako mahilig sa ganito, Siisg Hooray nga lang ang kinakainan ko, pero masarap ang sa Dencios. Nagawa ko pang ulam. Pedeng balikan kumbaga.


Bituka Sisig. Ngayon ko lang nakita ang ganitong uri ng sisig. Masarap at bagay na bagay sa alak. Bago man ay talaga namang babalik-balikan mo sa bawat pagpunta mo sa Dencios.


 Para sa akin, thumbs up ang kainang ito. Pero kung may iba kang reaksyon, aba i-comment mo na yan. Para naman sa susunod ako na ang pupunta sa kainan at inuman na alam mo.

THUMBS UP!

Thursday, October 31, 2013

Pizza Hut Libis - The Compromise

Naaalala nyo ba yung araw na sobrang nadisappoint ang ating Link Builder na Matakaw sa Pizza Hut Bistro Libis (Pizza Hut: Thumbs Down!)? Dahil sa sobrang tagal ng serbisyo nila ng araw na yun.

Makalipas ang ilang araw. May dumalaw sa ating bida sa kanyang opisina. Sino ito? Dalawang crew ng Pizza Hut. Isa ay lalaking manager raw, at yung isa, babae na kasalukuyan daw absent nang maganap yung badtrip na Pizza Hut trip nila (kaya raw kulang sa tao, may absent pala). Nagulat anf link builder na matakaw sa di inaasahang dalaw, kasalukuyan din kasi syang nakikipag-usap sa email sa isa pang manager sa Pizza Hut, Eastwood. 

Pizza Hut Eastwood
May dalang isang box ng Pizza (Hawaiian) ang dalawang crew, humingi ng pormal na paumanhin at sinabing hindi na mauulit. Sa ngayon, napatawad naman sila dahil sa totoo lang, hindi yun maiiwasan sa isang kainan lalo na at dinarayo. Sa amin lang, sana sa susunod, mas pagbutihin ang serbisyo nila. After all, PIZZA HUT sila.. may pangalan na hindi lamang sa Pinas kundi magign sa ibang bansa.



Sa ngayon, di pa ulit sila kumakain sa Pizza Hut. Pero hindi nila sinabing hindi na sila kakain. Wala lang sapat na oras. :)

Para sa inyo Pizza Hut - Well done sa ginawa ninyong kompromiso at pormal na paghingi ng paumanhin. Thumbs Up ayon sa Link Builder na Matakaw! :)

Pizza Hut Eastwood Pizza anyone?

Sunday, September 15, 2013

Ristotante Bigoli รจ Delizioso

Ang ating LinkBuilder na Matakaw, walang kadala-dala sa Pizza Parlor sa loob ng Eastwood City sa Libis, Quezon City. Matapos ang nakakadismayang karanasan sa Pizza Hut Bistro, kasama ang mga kaibigan ant katrabaho, sinubukan nila ang Ristotante Bigoli, Eastwood Branch.

Ristotante Bigoli Eastwood Branch
Umorder sila ng 2 Abbondanza Gruppo Festa na talaga namang nakakabusog. Nagulat pa sila sa bilis ng serbisyo ng Bigoli dahil kasalukuyang lunch time iyon. Matapos umorder ay naghintay lamang sila ng mahigit 15-20 minutos hanggang sa makumpleto ang lahat ng kasama sa menu ng inorder nila. 

Mababait at nakakatuwa ang mga crew sa branch na ito. Isa sa natatandaan nila ay si "Joey" - babae siya na maganda at hindi naiinis sa tuwing may ilang bagay silang hinihingi tulad ng unlimited garlic bread. "Sa totoo lang, ito talaga yung pinunta namin", sabi ng LinkBuilder na Matakaw. Ang walang humpay na breadsticks! :D

Fettuccine Alfredo Grande Platter Bigoli

Bigoli Stromboli


Kung tutuusin, kulang ang kanin sa Abbondanza Gruppo Festa pero sulit naman sa 3 uri  ng spaghetti na kasama sa meal at malaking pizza. Wala naman akong narinig sa kanila na negatibong tugon tungkol sa Bigoli, natuwa pa raw ang grupo nila sa unlimited drinks of your choice na mkikita malapit sa lagayan ng spoon & fork. 

Bigoli's Supremo Pizza


Ayon sa ating LinkBuilder na Matakaw - APPROVED ang Ristotante Bigoli, hindi dahil Italian sya kundi dahil panalo sa lasa at serbisyo dito. Babalik raw sya para sa ala carte order at unlimited breadsticks! :D 

Bigoli Unlimited Breadsticks


Ang mga kasama sa Abbondanza Gruppo Festa:
Bigoli's Italian Chicken


  • Bigoli's Supremo Pizza
  • Spaghetti Bolognese Grande Platter
  • Fettuccine Alfredo Grande Platter
  • Spaghetti al Pesto Grande Platter
  • Stromboli
  • 10 pcs. Italian Chicken
  • Italian Rice
  • Unlimited Breadsticks
  • Unlimited Drinks



Bisitahin ang https://www.facebook.com/RistoranteBigoli para sa mas maraming inpormasyon. 

Supremo Pizza At Ristotante Bigoli

Thursday, September 12, 2013

Matakaw na Pusang Itim

Kung hindi po ninyo naitatanong, ang ating LinkBuilder na Matakaw ay mayroong alaga na isang malusog na pusang itim. Ito ay isang Persian Cat na kamakailan lang ay nag-isang taon.



Ano naman ang kinalaman ng pusa sa pagkain? Dahil ba nakatikim sya ng masarap na siopao at pusa raw ang palaman? Hindi po. Bilang pakita ng pagmamahal sa kanyang nag-iisang alaga, ito ay tungkol sa mga pagkain para sa isang matakaw na pusa.

Hindi si Grafield ang topic ha. Hindi basta pusang matakaw, si Garfield na, marami po sila. 

Kinagisnan na ng pusang ito ang Whiskas for Kitten. Hanggang 6 na buwan ito lang ang paulit-ulit na kinakain nya, hanggang sa sinubukan ng ating bida na bigyan sya ng wet food pero Whiskas pa ren. Mabuti naman daw yun sabi nung vet nila, para hindi magsawa ang pusa. Mukang masarap ang pagkaing ito sapagbat wala pang 30 minuto mula sa pagkakahain at malinis na kainan na ang makikita mo.



Sinubukan din nya ang Jer High na hindi naman nya nagustuhan kaya ibinigay na lang sa iba pang mga pusa. Hindi sa mapili sya, sadyang hindi lang nya nagustuhan ang inihain sa kanya. Mukang okay naman ang Jer Hiigh pero kailangan pa syang himayin para lumiit at makain ng isang kuting.



Nang lumaon, sa Iams na napamahal ang pusang itim. Ito yung nakapagpataba sa kanya ang nakabawi sa timbang na nawala sa kanya.. Mas mahal ang Iams sa Whiskas pero higit na mas masustansya. Makikita mo na lang ang pusa mo na kusang lalapit sa kainan nya kahit kakakain pa lang para kumain ulit. Proven na isang matakaw na pusa!



Huling ibinigay para magkaroon ng bagong panlasa sa dila ay ang pet milk. Dito nagkamali ang hinala na ang pusa ay mahilig sa gatas. Konting inom lang at hindi na umulit ang alagang ito. Dinadaan-daanan na lang nya ang gatas sa inuman nya at matutulog sya.


Sa kabuuan ng lahat ng naipakain na ng LinkBuilder na Matakaw sa pusang ito, iilan ito sa napansin nya:

  • Kung mahal mo ang pusa mo, mag Iams ka
  • Hindi nya gusto ang gatas, tubig lang
  • Mas masarap daw kumain sa kamay ng amo kesa sa lalagyan
Approved! Yan ang husga para sa mga pagkaing maibibigay sa ating mahal ng pusa o aso.